Palitan ang pangalang “Timog Dagat Tsina” sa

“Dagat Timog Silangang Asya”

 

 

Pangkalahatang Kaisipan

 

Noong ikalabing-anim na siglo, maliit lamang ang nalalaman ng mundo tungkol sa Timog Silangang Asya. Tinawag ng mga kanluraning mangangalakal at mangingisda noong panahong iyon na “Timog Dagat Tsina” ang dagat na napapaloob ng mga bansa sa Timog Silangang Asya, ang rehiyon na hilaga ng Australia, silangan ng India at timog ng Tsina.

 

Dati, tinawag na rin itong Dagat Tsampa o Dagat ng mga Tsam mula sa kahariang pandagat na umunlad bago ang ikalabing-anim na siglo.

Sa makabagong panahon, habang nagbabago ang kabihasnan patungo sa isang pandaigdig na pagtutulungan, simula noong ikadalawampung siglo, gumawa ang pamayanan ng mga bansa ng rehiyon sa Asya upang matugunan ang pangangailangan ng sangkatauhan.

 

Pinangalanan ang rehiyon na Timog Silangang Asya at kasama dito ang Burma, Brunei, Cambodia, Silangang Timor, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand, Pilipinas at Vietnam.


Mayroong 600 milyong tao sa Timog Silangang Asya. Sa kanilang pagtutulungan, nakapagbahagi sila ng maraming bagay sa makabagong kabihasnan sa iba’t-ibang paraan, kasama na ang kultura, agham, edukasyan, ekonomiya, politika, at iba pa. Maliban sa mga nasabi na, narito ang ilang mga katotohanan:


1. Kinikilala ng United Nations ang rehiyon at binansagan itong “Timog Silaangang Asya.”


2. Napapalibutan ng mga bansa ng Timog Silangang Asya halos ang buong Timog Dagat Tsina na may kabuuang baybay-dagat na 130,000 kilometro (81,250 milya) sa haba; habang ang kabuuang baybay-dagat ng Timog Tsina’y may sukat lamang na 2,800 kilometro (1,750 milya).


3. Hindi limitado ang dagat sa iisang bansa lamang. Ito’y pamana para sa sangkatauhan at ginagamit ito ng mga bansa nang ilang siglo na. Ito rin ang ikalawang pinakamahalagang dagat na dinadaluyan sa buong mundo.


Sali na sa kampanya upang hilingin ang mga Pangulo at Punong Ministro ng 11 bansa ng Timog Silangang Asya, ang Pangulo ng United Nations Atlas of the Oceans, ang mga pinuno at pangulo ng 11 samahang pangheograpiya sa buong mundo na palitan ang pangalang “Timog Dagat Tsina” sa “Dagat Timog Silangang Asya.”


Pirmahan ang petisyon at maaalala magpakailanman ang ginawa mo para sa makabagong kasaysayan ng Timog Silangang Asya.

 

Translated by Elizabeth Joy Sadiarin

June 10, 2011